Skip to content

Paano gumagana ang KapitBahayan

Hiram, hindi bili. Tatlong hakbang para sa renter, tatlo para sa owner.

Kung magre-rent ka

  1. 1. Hanapin

    Mag-browse ayon sa gamit, area o petsa. Tingnan ang litrato, presyo kada araw at kung verified ang owner.

  2. 2. I-book at magbayad

    Pumili ng petsa. Protected deal (para sa ID-verified)? Bayaran sa KapitBahayan gamit ang GCash, Maya o card. Direct deal? Kayo ang mag-aayos ng bayad, at walang proteksyon mula sa amin.

  3. 3. Kunin, gamitin, ibalik

    Magkita sa meet-up spot, picture-an ang gamit, at ibalik sa oras. Sa Protected, babalik ang deposit mo 48 oras pagkatapos ng malinis na return.

Kung may ipapa-rent ka

  1. 1. I-list ang gamit

    Magdagdag ng litrato, presyo at deposit. Apat na hakbang lang, at ikaw ang magpapasya kung kailan available.

  2. 2. Tanggapin ang booking

    May 24 oras kang sumagot sa bawat request. Sa Protected, verified ang ID ng renter at bayad na bago pa kayo magkita. Sa Direct, hindi pa verified ang ID, kaya kayo ang bahala.

  3. 3. Kumita

    Sa Protected, papasok ang bayad sa GCash, Maya o bank mo sa araw pagkatapos ng return, bawas ang 10% fee, at hawak ng KapitBahayan ang deposit kung may problema. Sa Direct, walang fee at walang hawak na pera: kayo ang mag-aayos.

Dalawang klase ng deal

Protected

Para sa mga pareho ang ID ay verified. Hawak ng KapitBahayan ang bayad at deposito hanggang maibalik ang gamit. May check-in at check-out photos, at may dispute process kung may problema.

Direct

Kayo ang mag-aayos ng bayad at meet-up. Hindi namin hawak ang pera, walang ID check, at hindi kami makakatulong sa refund. Bago ka tumuloy, may babala kami.

Bago makipag-deal

Mag-message at mag-browse ka kahit hindi pa kumpleto ang profile. Pero para humiling o tumanggap ng deal, kailangan ng buong pangalan, edad na 18 pataas, mobile number, city, at ang pagsang-ayon mo sa Privacy Policy. Ginagawa ito sa Account.

Marketplace

Bumili o magbenta sa pamamagitan ng pag-message sa seller. Direct deal pa lang ito ngayon, kaya kayo ang mag-aayos ng bayad. Darating ang Protected checkout sa Nobyembre.

Handa ka na ba?

May hinahanap ka, o may gamit na nakatambak sa bahay.