Trust & protection
Mga tier ng account
- Member: may account ka. Puwede kang mag-browse, mag-message at mag-list.
- Complete: kumpleto ang pangalan, kaarawan (18+), mobile number, city at pagsang-ayon sa Privacy Policy. Kailangan ito para humiling o tumanggap ng deal.
- ID-verified: nag-upload ng ID at selfie, at tao ang nag-review. Kailangang parehong ID-verified ang dalawang panig para sa Protected.
Protected deals
Para ito sa mga ID-verified. Ito ang sakop:
- Hawak ng KapitBahayan ang bayad at deposito, hindi ng owner.
- Check-in at check-out photos para sa dalawang panig.
- Dispute process: desisyon sa loob ng 5 business days mula nang kumpleto ang ebidensya.
Hindi ito insurance. Tingnan ang Protection plans at ang hindi namin sakop.
Direct deals
Kayo ang mag-aayos ng bayad, meet-up at lahat ng iba pa. Hindi kami kasali sa deal na ito.
Hindi sakop ng Direct
- Walang hawak na bayad o deposito. Hindi namin ito ibabalik o ire-refund.
- Walang ID check na kasama. Maaaring hindi pa verified ang kausap mo.
- Walang mediation o desisyon sa pera kung magkaproblema.
- Walang protection plan at walang insurance.
Kung may kahina-hinalang kausap, i-report sa hello@kapitbahayan.com. Puwede naming i-hide ang listing o i-suspend ang account.
Iwas-scam
- Walang reservation fee. Huwag magpadala ng pera para lang "i-reserve" ang gamit.
- Tingnan ang mismong wallet app mo kung pumasok na ang bayad. Huwag magtiwala sa screenshot.
- Huwag ibigay ang OTP, MPIN o password. Hindi kami hihingi nito kahit kailan.
- Mag-meet sa public place, sa araw.
- Kung may nagsabing lumipat sa ibang app para magbayad, mag-ingat. Dito lang may proteksyon, at sa Protected lang.
Verified IDs
Verified
Bago makakuha ng verified tick, nag-a-upload ang user ng valid ID at selfie na hawak ito. Tinatanggap namin ang PhilSys, UMID, driver's licence, passport at PRC ID.
Tao ang nagche-check, hindi software lang. Kapag approved, lalabas ang tick sa profile at sa mga listing. Ang ID mo ay hindi makikita ng ibang user.
Deposits
Held by KapitBahayan
Sa Protected deal, hawak ng KapitBahayan ang deposit mo, hindi ng owner. Refundable ito, at ibabalik 48 oras pagkatapos ng malinis na return kung walang bukas na dispute.
Deposit paid now via GCash, Maya or card, refunded to the same wallet within 3-5 days after a clean return. No card hold.
Ang owner ang nagtatakda ng deposit, hanggang ₱20,000 ang pinakamataas (₱50,000 para sa camera, laptop at gadgets). Nakikita mo ito bago ka magbayad.
Protection plans
Pumili ng plan sa booking. Hindi ito insurance. Ito ang paraan namin ng pagtatakda kung sino ang sasagot kung may masira.
| Plan | Presyo | Saklaw |
|---|---|---|
| Basic | Free | Liable up to the deposit, then up to the item's value. |
| Plus | Higher of ₱49 or 8% of the rental | Accidental damage capped at ₱500. Theft and non-return not covered. |
Hindi sakop ng alinmang plan
- Sinadyang pagsira o maling paggamit.
- Pagkawala dahil sa nakaw o hindi pagbabalik (Plus).
- Normal na luma at gasgas, at mga consumable.
Check-in/out photos
Picture-an bago at pagkatapos. Ito ang proteksyon n'yong dalawa.
May checklist sa pickup at sa return. Kukuha kayo ng 4 na litrato ng kondisyon at ng serial number (kung meron), at pareho kayong magko-confirm sa app.
Kapag may dispute, ito ang unang titingnan namin.
Cancellation tiers
Pinipili ng owner ang tier sa listing. Makikita mo ito bago ka mag-book.
| Tier | 100% refund | 50% refund | Walang refund |
|---|---|---|---|
| Flexible | 24 oras o higit bago ang pickup | Pagkatapos nito | Wala |
| Moderate | 72 oras o higit bago ang pickup | Hanggang 24 oras bago ang pickup | Sa loob ng 24 oras |
Ang refund ay para sa rental at fees. Ang deposit ay laging ibinabalik nang buo. Kapag ang owner ang nag-cancel, full refund ka at may strike ang owner.
Disputes
Kung may mali, may malinaw na proseso at may petsa.
- 1
Sa loob ng 24 oras ng return
I-report ang problema sa booking page. Pagkalipas ng 24 oras, hindi na puwedeng mag-dispute.
- 2
Sa loob ng 48 oras
Parehong panig, mag-upload ng ebidensya: litrato, messages, resibo.
- 3
Sa loob ng 3 araw
Rerepasuhin ng KapitBahayan ang lahat ng ebidensya at checklist photos.
- 4
Resolusyon
Babayaran ang owner mula sa deposit, ire-refund ang renter, o hahatiin. May nakasulat na paliwanag.
What we don't cover
- Direct deals, at anumang cash o transfer na ginawa sa labas ng KapitBahayan.
- Gamit na hindi naibalik dahil sa krimen. Kailangan ng police report, at hindi ito insured.
- Normal na luma at gasgas.
- Consumables, tulad ng gasolina, baterya o supplies.
- Anumang wala sa checklist photos.
May tanong pa? Pumunta sa Help.